Nagpaunlak ng karagdagang panayam si Kathryn Bernardo sa ilang miyembro ng press matapos ang grand media conference ng pelikulang "A Very Good Girl" na pinagbibidahan nila ni Golden Globes Award nominee Dolly De Leon.
Isa sa mga naurirat sa kaniya ay ang nag-viral na umano'y naispatan siyang may hawak na vape, sa isang commercial building kung saan umano sila nagte-taping.
Hindi inamin o ikinaila ni Kathryn kung talaga bang gumagamit siya nito o parte lamang ng role niya sa pelikula. Pero nalungkot siya sa mga nangyari dahil feeling niya, nawala na ang privacy niya bilang isang normal na tao.
“Well una, sad ako na may video about it kasi parang inano yung privacy ko but then it happens so okay lang kung nangyari na and kung ginagawa ko ‘yon or ‘di ko ginagawa, [kung] ginagawa ko lang ba ‘yun sa movie, hindi naman n’un ide-define yung pagkatao ko, hindi naman dine-define yung pagkatao ko. It won’t make me less of a person," aniya.
"Sana it won’t happen again kasi kailangan din namin sometimes yung privacy and personal space namin," pakiusap pa niya sa lahat.