Pansamantala umanong nakalaya ang dating TV host na si Jay Sonza mula sa pagkakakulong dahil sa mga kasong naisampa sa kaniya, matapos raw magpiyansa ng ₱270,000.

Ayon sa ulat ng "Frontline Tonight" ng News5, Agosto 23, ₱260k daw ay nakalaan para sa reklamong estafa at ang ₱10k naman ay para sa nakasampang libel case sa kaniya.

Nakalaya raw bago mag-9:00 ng gabi si Sonza, Agosto 22.

Sa ulat naman ng Manila Bulletin, kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jayrex Bustinera ang paglaya ni Sonza.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang nauna nang ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang dalawang nakabinbing kaso ni Sonza kaugnay ng illegal recruitment, subalit mananatili siyang nakapiit dahil sa iba pang kaso kagaya ng 11 counts of estafa at libel case.

Batay sa ulat, kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera na naglabas ng pasya ang QC RTC Branch 100 na "provisionally" dismissed ang syndicated at large-scale illegal recruitment cases laban kay Sonza.

Hindi raw umano dumalo ang complainants sa isinagawang pagdinig. Bigo umano ang mga nagreklamo na makipag-ugnayan sa kanila.

"Given the consent of the accused who is virtually present… and in view of the manifestation of the public prosecutor indicating lack of interest to prosecute this case, on the part of the private complainants, the motion of the defense is hereby granted," mababasa sa inilabas na kautusan.