Naloka ang Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi sa nakita niyang larawan ng isang babalang nakasulat sa pader, dahil nabanggit ang kaniyang pangalan.

Mababasa kasi sa pader na bawal umihi ang sinuman doon, na karaniwan namang nakikita sa iba't ibang lugar, lalo na sa mga pampublikong lunan.

Pero may exception, dahil kapag siya ang iihi, aba'y ayos lang daw!

"Bawal umihi dito!" mababasa sa babala.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

"Pero si Ivana Alawi pwede!"

Ibinahagi naman ito ni Ivana sa kaniyang Facebook post at kinomentuhan, "Kaninong bakod to? Bat naman ganon" na may laughing face emoji.

Laugh trip naman ito sa mga netizen at halatang-halata may "pagnanasa" ang nagsulat nito sa sexy star.

"NAKO MHIEMA IVANA FAVORITE KA NUNG MAY ARI NG BAKOD HAHAHAHAHA," sey ng isang netizen.

Tanging tawa lamang ang nasabi ni Ivana rito.

Game na naki-ride on naman dito ang mga netizen.

"Location reveal please."

"Sana all puwede umihi kahit saan haha."

"Iba ka talaga Ivana!"

"Saan ba yan at mapuntahan haha."