Lumakas pa ang bagyong Goring at isa na itong ganap na tropical storm, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng hapon, Agosto 24.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Goring 265 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes, na may lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 10 kilomers per hour.

Base sa forecast track ng PAGASA, posible pang lumakas ang bagyo at itaas sa severe tropical storm category sa susunod na 36 oras. Maaari rin umano itong itaas pa sa typhoon category sa Sabado, Agosto 26.

National

‘Wrong timing daw?’ Bentahan ng ₱20 na bigas, sinuspinde hanggang eleksyon

Dagdag ng PAGASA, posibleng magdulot ang bagyong Goring ng mga pag-ulan sa susunod na tatlong araw.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na malaki ang tiyansang palakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat simula sa darating na Linggo, Agosto 27, o Lunes, Agosto 28, na magdadala rin ng occasional rains sa kanlurang bahagi ng Luzon.