Nanawagan ng suporta ng home crowd si coach Chot Reyes sa nakatakdang pagsagupa ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic sa opening ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bulacan sa Biyernes, Agosto 25.

Binigyang-diin ni Reyes na malaking bagay ang magiging presensya ng libu-libong Pinoy fans na inaasahang dadagsa sa venue ng laban.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

"The crowd will be a big factor to be able to help us," paliwanag ni Reyes sa pulong balitaan ng FIBA nitong Huwebes.

Gayunman, tumanggi si Reyes na pag-usapan ang kanilang tiyansa laban sa Dominican Republic na World No. 23.

"It doesn’t matter who you’re playing. Your chances is going to be very difficult. The competition is very tough and if you start thinking about chances, it’s really not useful," sabi ng Gilas coach

Ibabandera ni Reyes si NBA star Jordan Clarkson sa nasabing laban, katuwang sina June Mar Fajardo, Kai Sotto at Japeth Aguilar.

Magsisimula laban ng Gilas at Dominican Republic dakong 8:00 ng gabi,