Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Cagayan, at pinangalanan itong “Goring,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Agosto 24.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, namataan ang sentro ng Tropical Depression Goring 400 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan o 405 kilometro ang layo sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.

Mabagal umano itong kumikilos pa-west northwestward.

“Tropical Depression GORING is less likely to bring heavy rainfall over the country in the next three days,” saad ng PAGASA.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Maaari rin umanong palakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat simula sa darating na Linggo, Agosto 27, o Lunes, Agosto 28, na magdadala rin ng occasional rains sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Base sa kasalukuyang senaryo ng pagtataya, posible umanong magtaas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signals sa mga lugar sa Northern Luzon simula nitong Huwebes ng gabi o bukas, Biyernes, Agosto 25. Ngunit maaari umanong maging mas maaga rito kung magkaroon ng mga pagbabago sa senaryo ng pagtataya.