Tuwang-tuwa raw ang “It’s Showtime” host na si Ryan Bang nang mag-aral siya dito sa Pilipinas dahil sa dami umano ng holidays dito sa bansa.

Sa August 21 episode ng “It’s Showtime,” na saktong holiday dahil sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino, itinanong ni Vhong Navarro kay Ryan kung ano ang ginagawa nito bilang estudyante sa Korea tuwing holiday.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Anong ginagawa mo sa Korea kapag walang pasok o holiday?” tanong ni Vhong kay Ryan.

Sey ni Ryan, araw-araw daw may pasok ang mga estudyante sa Korea. Bibihira lang daw ang walang pasok.

“Kahit anong holiday, may pasok. 'Yung mga estudyante araw-araw may pasok sa Korea. Bihira lang walang pasok. Kaya no’ng nag-aral ako rito, ‘I love Philippines’ ang daming walang pasok. Yehey!”

Noong 2005 nagpunta si Ryan dito sa Pilipinas nang mahiwalay ang kaniyang mga magulang at nag-aral siya sa Reedley International School bago mag-aral sa De La Salle University.

Base sa Official Gazette, ngayong 2023 ay mayroong 12 regular holidays ang Pilipinas at 8 special non-working holidays.