Tila "unbothered" at walang pakialam ang drag artist na si "Pura Luka Vega" sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga lugar at lalawigan sa Pilipinas na nagdedeklarang "persona non grata" laban sa kaniya.

Sa isang video sa X (dating tawag sa Twitter), makikitang nagpe-perform ang drag artist sa awitin ni Taylor Swift na "Look What You Made Me Do."

Sa pamamagitan ng lip sync ay inawit niya ang linyang "I'm sorry, but the old Taylor can't come to the phone right now. Why? Oh, 'cause she's dead," habang hawak niya ang isang frame kung saan makikita ang litrato ng kontrobersiyal na pag-drag niya sa Itim na Nazareno.

Matapos ang performance ay nagbigay ng pahayag si Vega sa lahat ng mga nangyayaring deklarasyon ng persona non grata, gayundin ang dalawang kasong inihain laban sa kaniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"Ito lang masasabi ko—simplehan lang natin ha? Lahat tayo makasalanan. Tama? Hindi tayo perpekto. Tama? Gayunpaman, do unto others what you want others to do unto you. Okay? Do not do unto others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po ‘yon."

"Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan n'yo pa! Pakialam ko. 'Yon lang po. Thank you po!"

https://twitter.com/kallandian/status/1693500369492689186?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1693500369492689186%7Ctwgr%5Eb66e57e5db0fd08ebc8bba3694fdd6d73bcba39f%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fphilstarlife.com%2Fnews-and-views%2F143353-pura-luka-vega-addresses-persona-non-grata-issues

Ang huling mga lugar na nagdeklarang persona non grata sa kaniya ay ang Lucena City at Mandaue City.