Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na kung gaano ka-traffic sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), partikular kapag rush hour. Dahil dito, may “friendly advice” si dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga koponang lalaban sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa darating na Biyernes, Agosto 25.
“A friendly advice to the FIBA World Cup participating teams. Don't take Edsa. You will lose by default,” ani Lacson sa kaniyang X account (dating Twitter) nitong Miyerkules, Agosto 23.
https://twitter.com/iampinglacson/status/1694129467239825444
Samantala, magaganap ang opening games ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan habang ang mga labanan ay magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City at the Mall of Asia Arena sa Pasay City.