Iniulat ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules na umaabot na sa 17.3 milyon ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nagpatala na para sa School Year 2023-2024.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count ng DepEd, nabatid na hanggang alas-2:05 ng hapon ng Agosto 22, 2023, ay nasa 17,389,572 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Anang DepEd, pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A  na umabot sa 2,915,796; sinusundan ito ng National Capital Region (NCR) na nasa 2,263,482 at Region III na nasa 1,933,651.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng DepEd ang mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak sa eskwela.

Ayon sa DepEd, “ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.”

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 26, 2023.

Ang pasukan naman ay nakatakda nang magsimula sa Martes, Agosto 29, 2023.