Pinag-iingat ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga nagpapakilalang empleyado nito na humihingi ng pera para sa "clearance fee" ng tanggaping mamahaling padala o package.
Paliwanag ng BOC, isa itong "love scam" modus at marami na ang naging biktima nito.
"Kapag nakatanggap ng ganitong impormasyon, makipag-ugnayan o mag-report sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group at sa BOC Customer Assistance and Response Service (BOC-CARES)," anang ahensya.