Diretsahang natanong sa "Fast Talk with Boy Abunda" si Kapuso hunk actor Jak Roberto kung nagseselos ba siya sa sikat na sikat na tambalang "Barbie Forteza" at "David Licauco" ngayon, sa Monday episode nito, Agosto 21, 2022.

Si Jak ang real boyfriend ni Barbie, at nag-boom nang husto ang tambalang "FiLay/BarDa" dahil sa award-winning at hit series na "Maria Clara at Ibarra."

Sa sobrang hit ng tambalan ng dalawa, maraming BarDa fans ang nagwi-wish na sana raw ay "mawala" na nang tuluyan sa eksena si Jak at nilalayag na si Barbie kay David.

Lalo na ngayon na nagbabalik-Primetime ang dalawa para sa remake ng pelikulang "Maging Sino Ka Man" nina Sen. Robin Padilla at Sharon Cuneta noon.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

"Diretsahan Jak, nagseselos ka ba? Hindi ka ba nagseselos? Nasaan ka?" untag ni Boy kay Jak.

"Hindi po ako nagseselos, Tito Boy," sagot ni Jak.

"Okay babaliktarin ko, si Barbie, selosa [o] hindi?" sundot pa ni Boy.

"Siya po hindi rin. Kasi sa amin Tito Boy parang sabi ko nga siguro kaya nagkataon na parehas kaming artista kasi I think kung parang non-showbiz or hindi related sa showbiz yung magiging karelasyon namin, ang hirap talaga ipaintindi. So for me, sa karanasan ko na yung girlfriend ko artista, ako rin as boyfriend niya artista, naiintindihan namin yung work namin," sagot ni Jak.

Sunod na tanong pa ni Boy ay kung sa loob ng anim na taon nila ni Barbie ay never pang nagselos ang aktor.

"Hindi Tito eh," sagot naman ni Jak.

"I think kaya siguro nagkataon talaga na naging professor ako ng 'Anti-Selos' class," dagdag pa.

Sa tanong naman kung napag-uusapan na ang kasal, napag-uusapan naman daw, subalit biruan lamang. Alam daw nilang pareho kung ano ang mga prayoridad nila as of the moment, kaya baka hindi muna.