Aliw ang mga komento ng netizens nang ibahagi ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang achievement ng anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

Sa isang Instagram post kamakailan, speechless at proud momma si Marian sa kaniyang 7-anyos na anak.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

“Speechless and proud of you, Zia! 🏊‍♀️ Being awarded the most outstanding swimmer at the Speedo Jumpstart Novice Swim Carnival is a testament to your hard work and dedication,” ani Marian.

“Watching you grow from the beginning till now fills Mama’s heart with pride. Keep giving your best, guided by the grace of our Lord Jesus Christ. 💪🏻♥️” dagdag pa niya.

Bukod sa most outstanding swimmer award, nasungkit din ni Zia ang tatlong gold medals sa 25-meter backstroke, 25-meter butterfly, at 25-meter freestyle.

Kuwelang komento naman ang iniwan ng ilang netizens sa post ni Marian.

“luge kay zia anak nga ni dyesebel haha”

“Anak ka nga ni diyesabel! Haha. Congrats zia. Galing”

“Pinagsamang kapangyarihan ni dyesebel at darna. 😂❤️ congrats zia!”

“Syempre anak yan ng nag iisang dyesebel ❤️”

“Anak ba naman ni Dyesebel at ni Aquano eh😂 congrats Z! And to the proud parents as well👏👏👏”

“Gravi napakagaling👏👏👏 anak ka nga zia ni dyesebel❤️😍”

“grabe galing ni Zia ❤️ pinakyaw ang 1st place 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻 congratulations anak ni Dyesabel”

“Congratulations Zia. Anak ka nga ni Dyesebel 😍😍❤️❤️❤️”

Dyesebel ang teleseryeng pinagbidahan at karakter na ginampanan ni Marian noong 2008 sa GMA Network, kung saan naging katambal niya rito ang mister na si Dingdong Dantes.