Kinilig at natawa ang mga netizen sa lambingan ng mag-jowang sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. matapos sagutin ng una ang komento ng huli na "Mine!" sa kaniyang larawan.

Nag-post kasi si Zeinab ng larawan niya kung saan nakasuot siya ng puting dress na off shoulder at kita rin ang kaniyang dibdib, habang umaawra-awra sa halamanan.

Komento ni Bobby Ray, "Mine!"

Tugon naman ni Zeinab, "Dalawang P ko sayo lang ?."

Ang tinutukoy na "P" ni Zeinab ay "puso" at "pasensya."

National

False claim? Tanya Gaisano, pumalag sa sinabi ni Ramil Madriaga tungkol sa regalong painting kay VP Sara

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"natakot ako sa dalawang P mi"

"huyy zebby! Hahahahhahahahahhahaha tawang tawa ako"

"nakita namin idol si daddy Ray mo ang may P ang may mahaba pasiinsya hehehe"

"bigla ko kinabahan sa dalawang P ah haha kahit anu pa meaning Yan kanyang kanya talaga Yan?"

Photo courtesy: Zeinab Harake's IG

Kamakailan lamang ay niregaluhan din ni Zeinab si Bobby Ray ng isang luxury-luggage bilang "pampalubag-loob" sa kanilang tampuhan.