Matapos maging viral ang job qualification na hinahanap ng isang sikat na tindahan ng flavored French fries, kumalat naman ang iba't ibang memes sa mga beauty queen title holders na papunta na raw dito upang mag-apply ng trabaho.

Isa na rito si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nitong Agosto 22 ng umaga ay hindi pa rin humuhupa ang pagiging trending ng nabanggit na brand.

Photo courtesy: X

National

200 Afghan nationals na nanatili sa PH habang hinihintay US visa, nakaalis na ng bansa

Kumakalat ang litrato ni Catriona sa social media platforms dahil papunta na raw siya sa nabanggit na store para magsumite ng aplikasyon.

"Catriona Gray while submitting her application at the Potato Corner," mababasa sa caption.

https://twitter.com/auntieselinamo/status/1693218149968310765

Bukod kay Catriona, nabanggit din sa isang meme ang iba pang beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Megan Young, Kylie Verzosa, at iba pa.

Photo courtesy: Armson Panesa/X

Samantala, pinagkatuwaan din ng mga netizen kung sino raw ba ang magiging title holder na makukuha sa nabanggit na trabaho.

"Sino kaya ang mananalong:

Miss Potato Corner Universe

Miss Potato Corner Cheese

Miss Potato Corner Barbeque

Miss Potato Corner Sour Cream

Siguradong pahirapan yan," mababasa sa caption.

https://twitter.com/EdsonCGuido/status/1692909670216708568

Samantala, nagpaliwanag na ang nabanggit na brand hinggil sa pagsita sa kanila ng netizens.

"We, together with our business partners, are working to ensure that such incidents will not happen in the future," anila, batay sa ipinadala raw nilang mensahe sa GMA News Online.

"At Potato Corner, we firmly believe in the value of diversity and inclusion, true to what the brand provides to our cherished guests and valued business partners."

"We do not support or condone discriminatory hiring practices."

Kinuyog ng bashers ang job qualification na hinahanap ng nabanggit na brand, na ka-level na raw ng isang flight attendant, o kaya ay beauty queen.