Sinamahan ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang Pamilya Aquino sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nitong Lunes, Agosto 21, 2023.

“Honoring Senator Ninoy Aquino’s Legacy,” saad ni Leviste sa kaniyang Instagram post.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kalakip ng kaniyang post ang ilang larawan sa isinagawang misa para sa dating senador sa Santo Domingo Church sa Quezon City, na dinaluhan ng mga Aquino, at mga tagasuporta ni Ninoy.

Matatandaang Agosto 21, 1983, nang paslangin si Aquino, senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport).

Ang naturang pagpaslang sa kaniya ang kalauna’y nagbunsod sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nagpabalik ng demokrasya ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino