Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Agosto 22, na malaki ang tiyansang makaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o habagat.

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, malaki ang tiyansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bataan, Zambales, Cavite, at Batangas bunsod ng habagat.

Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, posibleng magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang biglaan at mga panandaliang pag-ulan, pagkidlat at pagkulot sa mga natitirang bahagi ng Luzon bunsod ng habagat o localized thunderstorms.

National

Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency

Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.