Isa si dating Senador Leila de Lima sa mga gumunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nitong Lunes, Agosto 21.

Sa isang Facebook post, sinabi ni De Lima na hindi pa tapos ang laban ni Ninoy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Siniraan, ginipit, ipinakulong ng 7 taon at 7 buwan. Buong loob na ipinaglaban ni Ninoy ang Demokrasya, Katarungan at Karapatan ng Pilipino,” ani De Lima.

Dagdag pa niya, “‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy. Ituloy natin ito hanggang makamit ang tunay na kalayaan mula sa katiwalian at kahirapan. Salamat, Ninoy!”

Kalakip ng nasabing post ang umano’y pahayag ni Ninoy noon.

“The moment you say no to tyranny, you are beginning the struggle, the long lonely road to freedom… Please say no and learn to say no. No to tyranny! No to corruption! No to all this degradation of human dignity! Because then, I feel the true air of your fathers who before you have shed their blood for our freedoms,” anang yumaong dating senador.

Matatandaang Agosto 21, 1983, nang paslangin si Aquino, senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport).

Ang naturang pagpaslang sa kaniya ang kalauna’y nagbunsod sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nagpabalik ng demokrasya ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino