Kinakiligan ng "BarDa" fans ang litrato nina Barbie Forteza at David Licauco habang magkayakap at nakahiga sa isang kama.

Ito ay promotion para sa nalalapit nilang seryeng "Maging Sino Ka Man," TV adaptation ng pelikula noon nina Sen. Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta.

"Happy Sunday, mga Kapuso! ❤️ Sana nakatulog kayo ng mahimbing ngayong weekend katulad nila!" mababasa sa caption ng Instagram post ng GMA Network.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Jak kaya mo 'yan. For the show lang 'to Jak. For the Fans lang 'to Jak."

"Jak left the group."

"Bakit feeling ko, feeling ko lang naman, this is 'right love at the wrong time'?"

"Jak ano na?"

Hindi naman nakaligtas sa "matanglawin" na mga netizen ang tila "bakat" sa bandang kumot.

"Hala bakit may PIPINO?"

"Ay may baong pipino, tinago pa"

"Tank build"

Samantala, iginiit naman ni Jak sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" na hindi siya nagseselos sa kung anuman ang tinatamasang kasikatan ngayon nina Barbie at David, dahil trabaho lamang daw ang lahat.