Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng umaga, Agosto 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:02 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 26 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Pagpupumilit sa impeachment ni VP Sara, ikinatalo ng Alyansa sa eleksyon—Tiangco

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.