Kumalas ng suporta ang anim na miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA) at tinuligsa ang karahasan sa Nueva Ecija.
Ayon kay Police Col. Richard V. Caballero, hepe ng Nueva Ecija police, boluntaryong sumuko ang mga ito sa Nueva Ecija 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Barangay Calabasa, Gabaldon noong Lunes.
Nakatanggap na rin ng food packs at sumasailalim sa debriefing ang mga sumuko. Maaari rin silang makakuha ng iba pang tulong sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program.
“This undertaking would certainly neglect the influence and control of the CPP-NPA-NDF over their remaining supporters and shall create a perfect time for the other leftists to return to the government’s side,” saad ni Cabellero.