Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa kaniyang pakikiisa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. nitong Lunes, Agosto 21.

"I stand united with all Filipinos worldwide in commemorating Ninoy Aquino Day. By standing for his beliefs and fighting for battles he deemed right, he became an example of relentlessness and resolve for many Filipinos,” pahayag ni Marcos.

“In our resolute quest for a more united and prosperous Philippines, let us transcend political barriers that hamper us from securing the comprehensive welfare and advancement of our beloved people. Let us imbue ourselves with clarity of mind and unity in purpose so we can proceed towards a future that resonates with our hopes and dreams," dagdag pa niya.

Inihayag din ni Marcos na maging daan nawa umano ang pagmamahal sa bansa para isulong ang pagtutulungan, ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, at lumikha ng isang lipunang puno ng inspirasyon.

Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino

"When our love for nation becomes the compass that guides our words and actions, we foster an environment where empathy, compassion, and dialogue prevail, leading us to a more enlightened and harmonious society," aniya.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga Pilipinong bumuo ng isang bansang nakabatay sa katwiran at katatagan, kung saan prayoridad umano ang kapakanan ng lahat, at hindi ang pulitika.

"As we take measured yet realistic strides towards progress, let us allow our steadfast spirit to drive us to uplift every Filipino and build an inclusive and more progressive Philippines,” saad pa ni Marcos.

Alinsunod sa Republic Act No. 9256, idineklara ang Agosto 21 ng bawat taon bilang Ninoy Aquino Day.

Matatandaang Agosto 21, 1983, nang paslangin si Aquino, senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport).

Ang naturang pagpaslang sa kaniya ang kalauna’y nagbunsod sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nagpabalik ng demokrasya ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino

?fbclid=IwAR3jMSG_os1IMyFBVtNmDqVwijk0o8SWYBQLVWIEkENegeI4N1LZ8AnZdT4