Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng nakiramay sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa pagpanaw ng amang si dating Vice Mayor Danny Lacuna.

"On behalf of the Lacuna family, I would like to send our sincerest gratitude," anang alkalde, sa isang pahayag nitong Linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Words cannot express our heartfelt thanks for the sympathy, love, and prayers you have offered to our family during these difficult times," dagdag pa ng alkalde.

Ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan ay nagbigay ng kanilang huling paggalang sa namayapang si bise alkalde Lacuna kabilang na ang dating Pangulong  Gloria-Macaoagal Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Maging si Senator Jinggoy Estrada ay nagtungo sa burol at nakiramay at dito ay ikwinento niya dinalaw sila VM Danny noong sila ay nakakulong sa Camp Crame.

Nangako ang alkalde na itutuloy niya ang legacy ng kaniyang ama kung saan unang ang Panginoon sa kahit na ano pa man at hayaan ang Panginoon na siyang gumabay sa pagbibigay ng serbisyo habang siya ay nasa tungkulin bilang alkalde ng Maynila.

Sinabi pa ng alkalde na gagawin ng lahat ng miyembro ng Asenso Manileno na itinatag at inalagaan ng namayapang  Vice Mayor,  na mapanatili ang partido bilang dominant local party sa lungsod.