Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Agosto 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:54 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 220 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 159 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.