Inalala ni dating Senador Bam Aquino ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nitong Lunes, Agosto 21.

“Ngayong August 21, ating inaalala ang tapang, pagmamahal sa bayan, at kabayanihan ni Ninoy Aquino,” saad ni Aquino sa kaniyang social media accounts.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ating isapuso at alalahanin ang naging tugon ng sambayanan noon sa kanya, ‘Ninoy, hindi ka nag-iisa’,” anang ng dating senador.

“Anomang hamon, bayan, #HindiKaNagiisa.”

Matatandaang Agosto 21, 1983, nang paslangin si Aquino, senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport).

Ang naturang pagpaslang sa kaniya ang kalauna’y nagbunsod sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nagpabalik ng demokrasya ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino

https://twitter.com/bamaquino/status/1693416695115690235