Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Abra nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:25 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Malibcong, Abra, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.