Tila pinasaya ng social media personality na si Zeinab Harake ang kaniyang Filipino-American basketball player boyfriend na si Bobby Ray Parks, Jr. matapos niya itong bilhan ng isang luxury carry-on luggage.

Makikita sa Instagram story ni Zeinab ang litrato ng kaniyang "daddy" habang nakasalampak ito sa sahig ng isang store, yakap ang isang "Dior and Rimowa Carry On-Luggage" na Black Dior Oblique Aluminum, na ayon sa ulat ay nasa $4,400 o mahigit ₱247,000.

"Happy ang daddy ko 😍🖤 bati na tayo ha 😭😂 ganun bumawe!" saad ni Zeinab sa Instagram story.

Photo courtesy: Zeinab Harake's IG

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Hindi naman idinetalye ni Zeinab kung ano ang "pinagkatampuhan" nila ni Bobby Ray kaya niregaluhan niya ito ng branded luggage bilang peace offering.