Nanawagan si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Richard Gordon sa publiko na itigil na ang “prank calls” sa kanilang emergency hotlines.

“Let us deter abuse and disallow prank calls to PRC’s 143 Hotline because we need to respond to emergency situations as urgently as possible,” pahayag ni Gordon nitong Sabado, Agosoto 19.

Binigyang-diin ni Gordon na maraming mga emergency na tawag na nangangailangan ng agarang atensyon ang hindi nila natatanggap dahil sa mga iresponsableng user umano na nakikipag-ugnayan sa emergency hotline para lamang sa isang "prank."

Base sa datos ng Operations Center ng PRC, sa 2,343 na tawag na nasagot nila noong Agosto 14, 78% o 1,822 na tawag umano ang pinatay kaagad matapos lamang mabati ng kinatawan ng PRC.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Nasa 22% o 521 tawag lamang naman daw ang nagkaroon ang PRC ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kliyente.

Sa naturang 521 na client engagement, 78% o 405 na tawag pa raw dito ay prank calls, habang ang ibang tawag ay para sa blood requests (14% o 73 na tawag), network-related calls (8% o 42 na tawag) at swab request (0.19% o isang tawag).