Wala raw masamang masasabi si Kapuso actor at "Eat Bulaga!" host Paolo Contis hinggil sa nakatakdang pagpapakasal ng dating partner na si LJ Reyes, sa fiance nitong si Philip Evangelista.

Naniniwala si Paolo na deserve ng sinuman ang love, kaya sa true daw ay masaya siya para sa ex at ina ng kaniyang anak na si Summer.

"I'm happy for her. Everyone deserves love, I don't have anything bad to say," pahayag umano ni Paolo nang makapanayam siya kaugnay ng pelikulang "Fuchsia Libre."

Ang nabanggit na pelikula ay nasa ilalim ng Maxv Productions. Gay character daw ang gagampanan dito ni Paolo.

Noong una 'no comment' pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinida ni LJ ang ilang shots mula sa kanilang pre-nuptial photoshoot ng mapapangasawa.

Nang pumutok ang balita ng engagement ni LJ ay agad na nahingan ng komento si Paolo tungkol dito.

"Of course, I'm very happy for her. She deserves to be happy," text ni Paolo kay Nelson Canlas na inulat naman sa "24 Oras" noong Mayo 30.

https://balita.net.ph/2023/07/06/lj-reyes-may-pasulyap-sa-wedding-planning/