Puntirya ng Commission on Elections (Comelec) na magpatupad ng nationwide mall voting sa 2025.

Binanggit ni Comelec Chairperson George Garcia nitong Linggo na sa idaraos na October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ang mall voting ay idaraos lamang sa 10 lugar, kabilang ang walong mall sa Metro Manila at tig-isa sa Cebu at Legazpi City.

Gayunman, sa halalan aniya sa 2025 ay nais nilang maisagawa na ang mall voting sa buong bansa.

Nasa 400 hanggang 500 ang mall sa buong bansa at kung maisasagawa ang mall voting ay hindi na gagawing poll centers ang mga paaralan upang hindi na maistorbo ang mga mag-aaral.

Tiniyak pa ni Garcia, ipagagamit nang libre ang mga mall.