Huhulihin na ang mga nagmomotorsiklo na gagamit ng bicycle lane sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Lunes, Agosto 21.
Ito ang banta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo at sinabing ang bicycle lane ay inilaan lamang para sa mga nagbibisikleta.
Sa monitoring ng MMDA, halos wala nang madaanan ang mga nagbibisikleta sa EDSA dahil dinadaanan ng mga nagmomotorsiklo ang bike lane.
Paliwanag ng ahensya, titikitan na nila ang mga rider na mahuhuli sa bicycle lane simula sa nasabing petsa.
Metro
QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Nasa ₱1,000 ang magiging multa ng mga rider dahil sa paglabag sa batas-trapiko, dagdag pa ng MMDA.