Patuloy pa ring nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Agosto 20.

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, malaki ang tiyansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dulot ng habagat.

Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, posibleng magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang panandalian o biglaang pag-ulan, pagkidlat at pagkulot sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o localized thunderstorms.

National

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang

Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.