'Di nakatutulong sa mga magsasaka? NFA, buwagin na! -- agri group
Pinabubuwag na ng isang agricultural group ang National Food Authority (NFA) dahil sa pagnanais ng ahensya na umangkat ng bigas kaysa bumili sa mga magsasaka.
“They’re not buying from our farmers anymore. They’re buying from Vietnam, India. They’re negotiating on rice. What’s this?” pahayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) Chairman Rosendo So.
Nangangamba rin si So dahil posibleng gamitin ng NFA ang bilyun-bilyong pondo upang ibili ng bigas sa India.
Tinukoy ni So ang inilaang ₱8.5 bilyong pambili ng bigas sa mga magsasaka sa bansa.
“The NFA power is to buy palay isn’t it? What are they doing negotiating with India to buy rice?” pagtatanong ni So.
Mas makabubuti aniyang lusawin na lamang ang NFA kung hindi naman ito nakatutulong sa industriya ng pagsasaka sa bansa.