Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Agosto 19, na pinalawig nito ang deadline ng aplikasyon para sa September 2023 Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination (ABELE).

Ayon sa PRC, pinalalawig ang deadline ng aplikasyon hanggang sa darating na Agosto 31, 2023.

“All required documents for the filing of application to take the licensure examination must be submitted to the Commission on or before August 31, 2023,” anang PRC.

“For queries and concerns, please email Licensure Office at [email protected] and the concerned PRC regional office which can be found in this link: https://www.prc.gov.ph/regional-offices-contact-information,” saad pa nito.

Probinsya

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan

Inabisuhan din ng PRC ang publiko na bisitahin ang kanilang opisyal na website at social media accounts, tulad ng Facebook at X (Twitter), para sa update hinggil sa September 2023 ABELE.