Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng hapon, Agosto 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:34 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 26 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala naman ang Intensity II sa City of Tandag, Surigao del Sur.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.