Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Sorsogon nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:35 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Prieto Diaz, Sorsogon, na may lalim na 107 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Prieto Diaz, Sorsogon, habang Intensity II sa Magallanes at Bulusan, Sorsogon.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Prieto Diaz, Sorsogon
Intensity II - Pawa at Tabaco, Albay; Rosario, Northern Samar; Virac, Catanduanes
Intensity I - City of Legazpi, Albay; Panganiban, Catanduanes
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.