Nailigtas ng Philippine Marines ang mga residente ng Zamboanga City na naapektuhan ng pagbaha dulot ng matinding pag-ulan kamakailan.

Sa social media post ng Philippine Navy, kaagad na ipinadala ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 ang kanilang Disaster Response and Rescue Team sa ilang barangay na naapektuhan ng matinding pagbaha.

Nasa 773 residente ng Brgy. Ayala, Talisayan, Tumaga, Cabatangan, at San Jose Gusu ang nasagip dahil sa biglaang pagtaas ng tubig-baha.

Pansamantalang dinala sa mga evacuation center ang mga residente na binigyan na rin ng relief goods at iba pang pangangailangan.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki