Tila na-excite ang mga netizen sa caption ni "Parokya ni Edgar" lead vocalist at "The Voice Generations" coach Chito Miranda sa kaniyang Instagram post patungkol sa kaniyang co-coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at Stell Ajero ng grupong SB19 para sa "The Voice Generations" o TVG na eere na sa Agosto 27.

Kamakailan lamang ay isinagawa ang media conference para dito, sa pangunguna ng host nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Mapapanood n'yo na kung gaano kayabang at kung gaano kasama yung ugali ng mga kasamang kong coaches," ani Chito sa kaniyang Instagram post noong Agosto 17, 2023.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Napa-react naman dito ang mga netizen.

"HAHAHAHAHAHAHA grabe yung caption Coach Chito."

"Nice sir Chito, kahit sikat na sobrang humble pa din..."

"Aabangan ko 'to. Caption pa lang eh..."

"Hahaha the caption 😂😂😂 I'm so excited for this... lalo na sa mga bardagulang magaganap 😂😂😂 take note na di magpapatalo ang pambato naming coach @stell16_ 😂😂😂 kaya humanda kayo hahaha."

Samantala, ibinida rin ni Chito ang pangmalakasang stage ng TVG sa isa pang Instagram post.

"Angas, di ba?"

"Eto yung set namin sa The Voice Generations 🤟🏻😎."

"Kasama si Stellvester Stallone, Billie Joe Armstrong, at si Julie Anne Santos."

Tumugon naman dito si Billy, "Hahahaha lang hiyang mga pangalan na yan. Salamat @chitomirandajr Chito, Chito Sa Puso ko."