Camp Olivas, San Fernando, Pampanga — Nasamsam ng pulisya ang ₱4,080,000.00 halaga ng umano’y shabu at naaresto ang dalawang indibidwal na tulak umano ng droga.

Nangyari ito sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Bataan at Angeles City noong Agosto 17.

Sa Angeles City, naaresto ng mga operatiba ang suspek na si Matarentis Mariga, alyas “Ate,” 25, kabilang sa listahan ng high-value individual at residente ng San Miguel, Quiapo, Maynila.

Naaresto siya sa isinagawang operasyon sa Tangle Road, Purok 1, Brgy. Cutud, Angeles City kung saan nasamsam sa kaniyang ang 450 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱3,060,000.00.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Habang sa Mariveles, Bataan, nahuli ang suspek na kinilalang si Rei John Sebastian, 33. Nasamsam sa kaniya ang 150 gramo ng umano’y shabu na may halagang ₱1,020,000.00 kabilang na ang caliber .38 revolver na may lamang ammunition.

Ang mga nahuling suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at RA 10591 para sa illegal possession of firearms and ammunition.