Agad na isinugod sa ospital ang isang 26-anyos na lalaki matapos umano itong tumalon sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Blumentritt Station habang paparating ang tren nitong Sabado, Agosto 19, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa isang pahayag, sinabi ni Jorjette Aquino, assistant secretary for railways ng DOTr, na agad na ginamit ng train operator ang emergency brake nang tumalon ang pasahero sa southbound tracks ng LRT-1.

“Following the incident, provisional service was implemented from Baclaran to Central Station at 6:12 am,” ani Aquino.

“First responders rescued the passenger from under the train at around 6:33 am. He was found conscious, with head abrasions and severed left foot,” dagdag pa niya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Inihayag din ni Aquino na nasa stable na kondisyon na ang pasahero kaninang 9:32 ng umaga, at kasalukuyan na umanong nagsasagawa ng X-Ray at ginagamot sa ospital.

Bumalik naman umano sa full operations ang LRT-1 dakong 6:44 ng umaga.