Umani ng iba't ibang reaksiyon ang video ng isang kindergarten teacher-content creator na nagngangalang "Teacher Carla" matapos niyang ipakita ang pagbabaklas ng mga disenyo at dekorasyon sa kaniyang silid-aralan, ayon umano sa atas ng Department of Education (DepEd) na dapat ay malinis at walang mga kung ano-anong bagay ang nakapaskil sa loob ng silid-aralan upang makapagpokus ang mga mag-aaral sa pag-aaral.

Ginamit ng guro ang awiting "Sayang" ni Claire Dela Fuente bilang background music.

"Good morning! Tara na magbaklas," ayon sa caption ng guro sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Makikitang isa-isang inalis at tinanggal ng guro ang mga disenyong alpabetong nakakabit sa dingding ng kaniyang silid-aralan, na siya mismo ang nag-ayos at gumastos bilang paghahanda sa nalalapit na #BalikEskwela.

Batay sa comment section, sinabi ni Teacher Carla na hindi naman talagang nasayang ang kaniyang mga inalis na palamuti dahil may humingi raw nito mula sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Para sa totoong guro na nagmamahal sa kanyang profession ang sakit yung part na pinaganda mo para sa mga studyante mo tapos sa isang pitik ikaw din ang babaklas ng sarili mong gawa."

"Ang sakit makita na ang dati mong pinaghirapan bigla nalang lahat mawawala, noong nagagalit sila na ang wala man lang makita kahit ano sa classroom, favor siguro ito sa mga wala naman talagang ginawang effort sa room, nakakaiyak talaga pera, pagod at oras ang nilaan mo para lang sana sa mga bata."

"Sa ibang bansa nga wala naman talagang mga ganiyan... let's see kung mag-work."

"Nakakalungkot, yung ibang guro ay gumagastos talaga para sa pagdedesign ng classrooms tapos ganyan lang ipapagawa?"

"Jusko mas marami pang problema sa edukasyon at mga paaralan ang dapat tutukan, pero ito talaga?"

Pumalo na sa 2.6k reactions at 224k views ang nabanggit na video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!