Na-reacquire ng Filipino-American world boxing champion na si Nonito Donaire, Jr. ang kaniyang Filipino citizenship, pati na ang kaniyang dalawang anak na lalaki bilang kaniyang "derivatives."

Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng "Department of Foreign Affairs-Philippines" ang isinagawang panunumpa ng boksingero, saksi ang kaniyang misis na si Rachel.

"World boxing champion and 'The Filipino Flash' Nonito Donaire Jr. became a dual citizen under Republic Act No. 9225 after taking his Oath of Allegiance at the Philippine Consulate General in San Francisco on 14 August 2023. He was accompanied by his wife Rachel and his two sons, who also became dual citizens as his derivatives," saad dito.

Naganap ito noong Agosto 17, 2023.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Si Donaire, Jr. ay isang Pilipino dahil isinilang siya sa Talibon, Bohol at pangatlong anak nina Nonito Donaire, Sr. at Imelda Gonzales.

Naging American citizen naman siya dahil sa "Jus Sanguinis" dahil ang isinilang ang lolo niya sa ama sa Hawaii, USA.

Pahayag ng boksingero, proud na proud siyang maging Pilipino lalo na ang pagiging Boholano niya.

Dahil sa pagiging Filipino citizen, maaaring manatili nang matagal si Donaire at ang pamilya niya sa Pilipinas.