Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Camarines Sur nitong Sabado ng gabi, Agosto 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:50 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Ragay, Camarines Sur, na may lalim na 3 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Ragay, Camarines Sur at Sipocot, Camarines Sur
Intensity I - Mercedes, Camarines Norte
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.