Iginiit ni House Deputy Speaker at dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya kailanman nangako sa China na alisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Agosto 19, sinabi ni Arroyo na hiningan ng komento hinggil sa mga pahayag na nangako nangako umano ang gobyerno ng Pilipinas sa China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin.

“I will categorically state three facts. First, I never made such a promise to China or any other country. Second, I never authorized any of my government officials to make such a promise. Third, I only became aware of such claims recently, when the matter surfaced in public discussions,” ani Arroyo.

“Beyond this, I will not make any further comment, in order to allow our foreign affairs officials to deal with it with a minimum of distraction,” saad pa niya.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nagsilbi bilang pangulo ng Pilipinas si Arroyo mula noong 2001 hanggang 2010.

Matatandaan namang kamakailan lamang nang bomabahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal.

MAKI-BALITA: PCG vessel, binomba ng tubig: China Coast Guard, kinondena ulit ng Pilipinas