Naitala ang 1,090 kaso ng dengue sa Pangasinan mula noong Enero 1, 2023 hanggang Agosto 14, 2023, ayon sa Provincial Health Office ng Pangasinan.
Ayon sa datos ng Pangasinan PHO, naitala ang mataas na bilang na kaso ng dengue sa mga batang may edad isa hanggang 14 taong gulang.
Sinusuri ng Rural Sanitary Inspectors sa bawat bayan ang posibleng pinagmumulan ng lamok, kabilang ang mga pampublikong paaralan.
Sa ngayon ay namamahagi na rin ang PHO ng mga insecticide spray at kulambo.
Binabantayan ng PHO ang mga lugar na may mataas kaso kabilang ang Bayambang, Balungao, Bugallon, Calasiao, Malasiqui, Manaoag, San Carlos City, Umingan, at Urdaneta City.
Pinaalalahanan din ng PHO ang publiko na isabuhay ang 5S strategy laban sa dengue.
Ang 5S ay ang Search and destroy mosquito breeding sites, Self-protection measures by wearing long clothes, Seek early consultation, Support fogging, at Sustain hydration.