Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng madaling araw, Agosto 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:15 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 27 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Baliguian, Zamboanga Del Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.