
(Manila Bulletin File Photo)
Number coding scheme sa Agosto 21, suspendido
Sinuspindi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa Agosto 21, 2023, isang non-working holiday.
Ayon sa MMDA, bahagi lamang ito ng kanilang pakikiisa sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.
Alinsunod sa Batas Republika Blg. 9256, kinikilala ang ika-21 ng Agosto ng bawat taon na “Ninoy Aquino Day” bilang paggunita sa anibersaryo ng kanyang kamatayan.
Ang number coding scheme ay ipinatutupad mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 hapon hanggang 8:00 ng gabi.