Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Agosto 18, na isang Pilipino ang naitalang napasama sa mga nasawi dahil sa wildfire sa Maui sa Hawaii.

Kinilala ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega ang nasawi bilang Alfredo Galinato, 79, isang naturalized US citizen na orihinal umanong mula sa Ilocos Region.

Kabilang si Galinato sa daan-daang indibidwal na nakumpirmang namatay dahil sa wildfire na sumiklab noong Agosto 8.

Samantala, inihayag ni Philippine Consul General sa Honolulu na si Emil Fernandez na apat na indibidwal ang ipinadala sa Maui mula Agosto 15 hanggang 16 upang magkaloob ng emergency consular services matapos mag-apply ang 66 indibidwal para sa pagpapalit ng pasaporte.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nakipagpulong din si Fernandez sa tatlong Pilipinong guro doon na nasa ligtas na rin umanong kalagayan.

Ayon sa 2020 census, tinatayang 388,000 ang populasyon ng mga Pilipino sa Hawaii.