Nakatakda nang ilagak sa kanyang huling hantungan ngayong Biyernes ang pumanaw na si dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna.

Kaugnay nito, tiniyak ni Manila City Administrator Bernie Ang na bibigyan nila ng pagkakataon ang mga kawani ng City Hall na makapagbigay ng kanilang huling respeto sa dating bise alkalde.

National

Makakalaban sana ni Romualdez bilang kongresista, ‘disqualified’ sa eleksyon – Comelec

Nabatid na nagpalabas ng isang memorandum si Ang upang idaan ang motorcade sa Manila City Hall quadrangle, pagsapit ng ala-una ng hapon.

Sandaling mananatili ang motorcade sa City Hall grounds bilang bahagi ng tradisyon upang masilayan ng mga empleyado at mabigyan sila ng pagkakataon na makidalamhati sa pamilya.

Mula dito, ang convoy ay magtutuloy na sa Manila South Cemetery para sa libing ng ganap na alas-2:00 ng hapon.

Matatandaang si Lacuna, na ama ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ay sumakabilang buhay noong Agosto 13, 2023.

Siya ay nagsilbing Konsehal at Vice Mayor ng Maynila ng maraming termino.

Itinatag niya rin ang Asenso Manilenyo na siyang dominant local party sa Maynila, kung saan nakapag-produced ng dalawang alkalde na sina  dating Mayor Isko Moreno at ang kanyang panganay na anak na  Mayor Honey.

Ang nasabing political party ang siyang nagdomina sa lahat ng mga elective local position sa Maynila mula sa mayor, vice mayor, Congressmen at city councilors.