Ang Department of Education (DepEd) muna ang mangangasiwa sa 14 na paaralan na pinag-aagawan umano ng mga pamahalaang lungsod ng Makati at Taguig.
Ito'y habang wala pang transition plan dito.
Sa isang opisyal na pahayag nitong Huwebes hinggil sa Makati-Taguig issue, sinabi ng DepEd na kinikilala nila ang namamagitang tensiyon sa dahil sa 14 na paaralan na apektado ng desisyon ng Korte Suprema.
"The Department recognizes the increasing tension in the fourteen (14) schools affected by the Supreme Court’s Decision in the case entitled, Municipality of Makati vs. Municipality of Taguig (G.R. No. 235316)," anang DepEd.
Dagdag pa nito, dahil sa tensiyon, ang Office of the Secretary muna ang pansamantalang direktang mangangasiwa sa mga naturang paaralan habang wala pang transition plan dito.
"Pursuant to its mandate to provide a safe and enabling learning environment, and in the pursuit of protecting the best interest and welfare of our learners, teachers and non-teaching personnel, the DepEd has issued DO 23, s. 2023 which provides that the Office of the Secretary shall directly supervise the management and administration of all 14 schools, pending a transition plan, effective immediately," anito pa.
Umaasa rin naman ang DepEd na magiging mapayapa at maayos ang pagbubukas ng klase sa mga naturang paaralan sa Agosto 29.
Ipinauubaya rin naman ng DepEd sa hukuman ang desisyon kung sino ang may-ari ng mga naturang paaralan na ipinatayo ng Makati City Government ngunit ngayon ay nasa territorial jurisdiction na ng Taguig.